Matapos ang 7 taon, masaya ang 39-year old singer na si Vina Morales sa muling pagkakaroon ng kulay ng kanyang buhay pag-ibig.
Isang French national ang bagong boyfriend ni Vina, ngunit tumanggi itong pangalanan.
Aniya kahit ibang lahi ang kanyang nobyo ay hindi naman long distance relationship ang kanilang set up dahil dito sa Pilipinas nakabase ang kanyang boyfriend.
Kuwento pa ni Vina, si Governor Chavit Singson ang naging tulay kung paano sila nagkakilala at hindi daw nalaman agad ng nobyo ni Vina na siya ay isang artista.
Matatandaan na inihayag ng aktres na handa na siyang buksan muli ang kaniyang puso ngayon taon matapos mapagtanto umano na dapat siyang muling magtiwala at magbigay ng pagkakataon lalo na’t maganda naman ang intensyon sa kanya.
Huling nakarelasyon ni Vina ay kontrobersiyal na negosyanteng si Cedric Lee.
By Jenny Valencia