Tikom ang bibig ng singer / actress na si Vina Morales sa mga pahayag ni Avi Siwa, ang dating karelasyon ng kasalukuyang boyfriend ni Vina na si Marc Lambert.
Ayon kay Avi, hinaharang o pinipigilan ni Vina ang kasintahang French businessman na madalaw ang kanilang anak na kasalukuyang nasa halos dalawang linggo pa lamang.
Pero sa halip na magkomento , sa isang post sa Instagram, sinabi ni Vina na mainam kung hayaan na lamang ang naturang isyu.
Matatandaang nito lamang Setyembre nang inanunsyo ni Vina ang kanilang relasyon ni Lambert.
By Ralph Obina