(11 AM Update)
Humina ang bagyong Vinta matapos tawirin ang northern Davao Region.
Huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Malaybalay City, Bukidnon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 80 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot naman sa 130 kilometro bawat oras.
Patuloy na kumikilos ang bagyong Vinta sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 18 kilometro bawat oras.
Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 2 sa—Agusan del Sur, Davao del Norte, North Cotabato, Misamis Oriental, Bukidnon, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Misamis Occidental, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay.
Habang signal number 1 naman sa —Southern Leyte, Bohol, Southern Cebu, Negros Oriental, Southern Negros Occidental, Siquijor, Dinagat Island, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Camiguin, Compostela Valley, Davao Oriental, Davao del Sur, Maguindanao, Sultan Kudarat, at Basilan.
Patuloy na pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na laging mapagbantay at naka-alerto sa posibleng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa.
Inaasahang sa Lunes pa, araw ng Pasko tuluyang lalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Vinta.
—-