(11 AM Update)
Napanatili ng bagyong Vinta ang lakas nito habang patuloy nitong tinutumbok ang katimugang bahagi ng Palawan.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyong Vinta sa layong 245 kilometro Kanluran Hilagang Kanluran ng Zamboanga City.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 80 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 95 kilometro bawat oras.
Kumikilos ang bagyong vinta sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras at inaasahan itong nasa layong 275 kilometro Timog Kanluran ng Puerto Princesa City sa Palawan.
Nakataas ang babala ng bagyo bilang dalawa sa katimugan ng Palawan habang signal number 1 naman sa nalalabing bahagi ng lalawigan.
Dahil dito, patuloy na pinaalalahanan ng PAGASA ang mga residente sa mabababang lugar sa mga posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Bukas pa araw ng Linggo inaasahang tuluyang lalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Vinta.
—-