Aksidenteng nahukay ng isang backhoe operator ang nasa 1000 pounds ng vintage bomb sa Barangay Isabela Proper, Isabela City, Basilan.
Ayon kay Joint Task Force Basilan Commander Col Domingo Gobway, agad na rumesponde ang tropa ng 16th Special Forces Company at PNP Explosive Ordnace Division Team sa lugar nang makatanggap sila ng impormasyon hinggil dito.
Agad nagsagawa ng proper evaluation at assessment sa vintage bomb ang mga awtoridad bago ito dinala sa 4th Special Forces Battalion headquarters na nasa Barangay Cabunbata.
Ayon naman kay Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., sa ngayon at naghihintay nalang sila ng report mula sa EOD team para matukoy ang classification ng vintage bomb.
Gayunman, sinabi ni Vinluan na patuloy pa rin silang naka alerto sa lugar para sa anumang hindi inaasahang mga pangyayari.