Pumalo sa higit 20,000 violators ng iba’t ibang quarantine protocols ang naitala ng pambansang pulisya sa unang araw ng muling pagsasailalim ng Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay PNP Chief, General Guillermo Eleazar na kabilang sa mga ECQ violators ay ang higit sa 500 katao na non-authorized person outside of residence o APOR na nag pumilit at gumawa pa aniya ng alibi o dahilan para lamang makalusot sa mga checkpoints.
Sa naturang bilang ng mga hindi pinayagang makapasok sa loob ng NCR plus areas, 119 ang hindi pinalusot sa Metro Manila; 56 sa Laguna; 129 sa Cavite; 5 sa Rizal; 184 naman sa Bulacan.
Bukod pa rito, may 58 na katao ang nagsabing sila’y apor, ngunit walang maipakitang kaukulang dokumento.
Samantala, sa pinakahuling tala Ng Joint Task Force Covid Shield, mula nang magsimula ang ECQ sa NCR plus areas nitong Agosto 6 hanggang kahapon, Agosto 7, pumalo na sa 20,511 ang kabuuang ECQ violators ang sinita o binalaan ng mga awtoridad.