Umaalma ang 16 sa mga tinaguriang VIP inmates sa nasabing bansag.
Iginiit ng mga nasabing bilanggo sa pamamagitan ng kanilang abogadong si Atty. Ferdinand Topacio na walang basehan para tagurian silang high profile inmates.
Mahigpit ding itinanggi ng grupo ang pinalutang na plano nilang pagpapatumba kina incoming President Rodrigo Duterte at incoming PNP Chief Ronald dela Rosa.
Naniniwala ang inmates na isang uri ng public conditioning ang bansag at nasabing report para mapatahimik ang mga inmates at hindi na mapansin ang korupsyon sa loob mismo ng NBP o New Bilibid Prisons.
Una nang ibinunyag ni dela Rosa ang 50 milyong pisong bounty mula sa mga drug lords sa NBP para sa makakapatay sa kanila ni Duterte.
By Judith Larino