Isinailalim na sa State of Imminent Danger ang bayan ng Virac sa lalawigan ng Catanduanes dahil sa Bagyong Nina.
Dahil dito, inatasan ni Virac Mayor Sammy Laynes ang mga opisyal ng munisipalidad na mag-cash advance at ipambili ito ng food packs.
Sa ngayon, ang probinsya ay may nakahandang 4,500 food packs para ipamudmod sa mga residente roon sakaling tumama na ang bagyo.
Naka-standby na rin ang DPWH, Bureau of Fire Protection, Provincial Engineering Office, Philippine Army at ang Emergency Response Team mula sa Philippine Red Cross sa harap ng inaasahang pananalasa ng bagyo.
By: Meann Tanbio