Tila nabaligtad ang istorya na kinasasangkutan ng isang tindero ng buko na ginulpi ng mga personnel ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa Edsa-Pasay City.
Ito’y makaraang arestuhin ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang tinderong si Romnick Relos dahil sa kasong murder sa Masbate, noon pang 2007.
Gayunman, hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang PNP-CIDG sa kasong kinakaharap ng buko vendor.
Magugunitang nag-viral sa social media ang video ng panggugulpi ng mga miyembro ng MMDA sidewalk clearing operations group personnel kay Relos.
Marso 2 nang maganap ang insidente sa pagitan ng MMDA at ni Relos sa Evangelista footbridge.
Buko vendor na si Romnick Relos na nag-viral matapos makipagbugbugan sa mga tauhan ng MMDA, inaresto ng CIDG dahil sa kasong murder noong 2007; mga kapatid nito na sangkot din sa kaso, arestado rin @dwiz882 pic.twitter.com/U3mZHKa8Od
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) March 6, 2018
(Ulat ni Jonathan Andal)