Sumuko na sa pulisya ang viral internet personality na si Christian Albert Gaza o mas kilala bilang Xian Gaza.
Kasunod ito ng ipinalabas na warrant of arrest ng malabon Metropolitan Trial Court laban kay Gaza dahil sa paglabag sa Anti-Bouncing Checks law.
Ayon kay Gaza sumuko na siya dahil pagod na aniya siyang magtago at nais niya nang magbagong buhay.
Si Gaza ay inirereklamo ng mga biktimang sina Jaime Asuncion at Melinda Cruz matapos na mabigong magbayad ng utang na nagkakalaga ng halos tatlong milyon bilang investment umano sa coffee shop business nito.
Samantala humingi naman ng tawad si Gaza sa mga biktimang sina Asuncion at Cruz at iginiit na wala pa siyang kakayahan na makapagbayad ng utang dahil bankrupt siya ngayon.
Unang sumikat si Gaza nang yayaing magkape ang aktres na si Erich Gonzales sa pamamagitan ng isang billboard.