Aakalain mo ba na ang babaeng nangunguna sa listahan ng pinakamayaman sa Pilipinas ngayong taon ay makikita na matyagang naghihintay sa kanyang maleta sa Ninoy Aquino International Airport at tila walang VIP treatment?
Sa viral post ng award-winning writer at professor emeritus sa University of the Philippines na si Jose Dalisay Jr., makikita si Teresita Sy-Coson sa kanyang simpleng kasuotan na matyagang naghihintay sa kanyang maleta kasabay ang ibang pasahero.
Pinuri at hinangaan ng mga netizens sa comments ang negosyante sa pagiging simple nito at pagiging mapagkumbaba.
Si Teresita Sy-Coson ay ang panganay na anak ng self-made businessman na si Henry Sy, ang founder ng SM Malls at kinikilala na Father of Philippine Retailing.
Si Coson ang tumatayong Vice Chairperson ng SM Investments, ang holding company ng SM group na nag-iinvest sa iba’t ibang klase ng negosyo katulad ng financial services, banking, retail, at real estate.
Bukod pa riyan, siya rin ang Chairperson ng BDO Unibank na isa sa pinakamalalaking bangko sa Pilipinas.
Sa kasalukuyang taon, nangunguna ang Sy siblings sa pinakamayamang Pilipino ayon sa Forbes at may networth na 13 billion US dollars.