Matagal nang iniimbestigahan ng Bohol Government kung paano naitayo ang Captain’s Peak Garden and resort sa paanan ng Chocolate Hills.
Ito ang iginiit ni Attorney Jamie Villamor, Chairperson ng Provincial Board Committee on Environment ng Bohol kasunod nang nag-viral sa social media ang naturang resort.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Attorney Villamor, na dati pa nila ipinatawag ang may-ari ng resort para sa imbestigasyon.
Ibinunyag naman ni Atty. Villamor na may mga negosyante pang nagpasa ng aplikasyon para magtayo ng resort sa ibabaw mismo ng burol.