College graduation ang pinakaaantay hindi lamang ng mga estudyante kundi pati na rin ng kanilang pamilya, lalo na ng mga magulang na nagpapa-aral sa kanila.
Kaya naman nag-viral ang emosyonal na TiktTok video ng isang Magna Cum Laude graduate ng BA in English Language Studies kasama ang kanyang ama.
Bakit nga ba nag-viral yan, alamin natin!
Sa TikTok video ng Magna Cum Laude graduate mula Polytechnic University of the Philippines na si Keanne Roeh Isurda, makikita na nag-uusap sila ng kanyang Tatay Rodolfo habang hawak niya ang kanyang toga.
Kasunod nito ang pagsusuot ni Keanne ng toga sa kanyang emosyonal na ama habang maririnig na sinasabi nito na hindi niya naranasan ang makapagsuot ng toga dahil hindi siya nakagraduate.
Tila nagsagawa pa sila ng maliit na graduation ceremony at tinuruan pa ni Keanne ang ama na ilipat ang tassel mula sa kanan papunta sa kaliwang bahagi ng graduation cap.
Sa isang pahayag, sinabi ni Keanne na hindi naman daw ni-require na grumaduate sila with honors dahil kahit anong mangyari ay proud sa kanila ang ama.
Gayunpaman, pinakita sa kanyang TikTok video na natupad niya ang ipinangako sa ama na gagraduate siya bilang Magna Cum Laude sa PUP.
Si Keanne ang pinakaunang nagtapos sa kanilang pamilya at kasalukuyang nagtatrabaho bilang marketing associate.
Ikaw, anong masasabi mo sa nakakaantig na tagpo na ito?