Tiniyak ng Metro Manila Development Authority o MMDA na inaaksyunan nila ang isyu ng pambubugbog ng mga tauhan ng MMDA sa isang buko sidewalk vendor.
Ayon kay Celine Pialago, Spokesperson ng MMDA, nakuha na nila ang lahat ng ebidensya tulad ng barangay CCTV footage upang maging patas ang imbestigasyon.
Kinumpirma ni Pialago na ang 12 nakunan ng video ay mga tauhan ng MMDA para sa sidewalk clearing operations.
Sinabi ni Pialago na bagamat hindi naiiwasan na nagiging bayolente at agresibo ang mag sidewalk vendors, mahigpit naman ang kanilang bilin na ipatupad ang maximum tolerance.
“Makikita niyo po may mga kasama talagang Army kasi major operation po ‘yun so kailangan ganun, pero sa sitwasyon na ito sinu-sustain at mine-maintain na lang nila ang area, in short parang pinapasadahan, dapat po kapag may mga emosyonal na mga vendor dapat talagang itinatawag sa pulis, pero ‘yung version po nila eh wala daw pong pulis na malapit duting that time kaya kasama din po ‘yun sa iniimbestigahan.” Pahayag ni Pialago
(Ratsada Balita Interview)