Inaabangan na ng mga tagahanga ang digital concert ni Regine Velasquez ngayong taon.
Ayon sa ulat, ang konsiyerto na may pamagat na “Freedom” ay gaganapin sa ika-28 ng Pebrero.
Itinakda sana ngayong araw, ika-14 ng Pebrero, ang digital concert ngunit ipinagpaliban ito matapos ma-expose ang singer sa isang indibidwal na nagpositibo sa COVID-19.
Nilinaw naman ng mga producers ng show na negatibo sa virus si Regine kaya’t tuloy ang paghahanda nito sa naturang proyekto.