Inilunsad ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang kanilang virtual operations center.
Ayon kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo, layon nito na maipaalam sa publiko ang disaster preparedness at response initiative ng kagawaran.
Ipinabatid ng kalihim na ang naturang site ay online counterpart ng disaster response assistance and management bureau ng DSWD.
Maaari aniyang ma-access ang site ng virtual operations center sa pamamagitan ng pagbisita sa dswd.gov.ph at maaari ring dumirekta sa dromic.dswd.gov.ph.
By: Meann Tanbio