Naging matagumpay ang isinagawang virtual simultaneous earthquake drill ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), kahapon, Hunyo 10.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, masaya sila sa naging kinalabasan ng earthquake drill dahil sa maraming bilang ng nakilahok dito.
Kaugnay nito, umaasa si Timbal na sa pamamagitan ng mga isinasagawang earthquake drill na ito ay maihahanda ang publiko sakaling dumating ang the big one.
Bagama’t aminado si timbal na bago sa kultura ng Filipino ang maging handa sa lindol kaya’t kung anu-ano pa ang ginagawa ng bawat isa kapag may pagyanig, umaasa siyang magagawa ng publiko ang mga mahahalagang hakbang para mailigtas ang sarili sa nasabing sakuna.