Tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyon ni United States President Joe Biden na lumahok sa Virtual Summit for Democracy sa December 9 hanggang 10.
Sa imbitasyon ni Biden kay Pangulong Duterte, nakasaad na layon ng summit ang mutual learning ng mga bansa para sa pagtatatag ng masagana at mapayapang hinaharap.
Ang Estados Unidos ang magsisilbing host country ng naturang summit.
Inaasahan namang dadalo rin dito ang iba pang heads of state, government leaders, mga negosyante at non-government sector.