Isinusulong ngayon ng Department of Tourism (DOT) ang virtual tour guiding.
Ito’y matapos lubos na maapektuhan din ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ang industriya ng turismo.
Batay kasi sa ulat, nasa 400 tour guide sa Cordillera ang naapektuhan ang hanapbuhay ng pandemya.
Ayon kay Jovi Ganongan, regional director DOT-CAR, ang virtual tour guiding ay mainam na alternatibo para sa mga tourist guide at inaasahan din umano na makatutulong ito na makahikayat ng mga turista sa oras na maging ligtas na muling mamasyal.
Inihahanda rin umano ang mga estudyante ng tourism sa virtual tour guiding.