Tataas na sa 3,000 pesos ang visa application fee para sa mga Pilipinong bibiyahe sa South Korea mula sa kasalukyang 2,700 pesos.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration o POEA, saklaw ng increase ang employment permit system workers na nag-a-apply para sa e-9 visas.
Sisimulang ipatupad ang mas mataas na visa application fee para sa mahigit siyamnapung (90) pananatili sa South Korea sa Enero 1 ng susunod na taon.
Mangongolekta naman ang government placement branch ng 2,700 peso visa fee hanggang huwebes, Disyembre 28.