Pansamantalang sinuspinde ng Korean Embassy ang visa–free entry ng mga dayuhang papasok sa Jeju Island sa South Korea.
Inanunsiyo ng Korean Authorities ang suspensiyon matapos na kumpirmahin ng Department of Health ang pagkamatay ng isang 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (nCoV-ARD) positive na pasyente sa San Lazaro Hospital.
Kaugnay nito, ayon sa Bureau of Immigration (BI) hindi na papayagan ang mga Pilipino na umalis ng bansa papuntang Jeju Island kung walang visa.
Una rito ay nagpatupad na ang bansa ng temporary travel ban sa mga dayuhang manggagaling sa China, Hong Kong, at Macau.