Posibleng isulong muli ng pamahalaan ang pagkakaroon ng visa-free entry ng mga Pilipino sa South Korea.
Ayon kay Philippine Ambassador to South Korea Noe Albano Wong, isa aniya ang nasabing usapin sa posibleng matalakay sa Association of Southeast Asian Nations – Republic of Korea (ASEAN-ROK) commemorative summit.
Sa kasalukuyang batas, kinakailangan pang kumuha ng visa ng mga Pilipinong bumibisita sa South Korea habang hindi naman kinakailangan ng mga korean nationals ng visa kung magtutungo at mananatili sa Pilipinas hanggang 30 araw.
Dagdag ni Albano, kanya na ring nabanggit ang panukala sa tourism department ng South Korea kasunod na rin ng reklamo ng ilang mga turistang Pilipino sa haba ng panahong iginugugol para makakuha ng visa mula sa Korean embassy.
Samantala, nagpahayag naman ng pag-asa si South Korean Ambassador to the Philippines Han Dong-Man sa posibilidad ng pagbuo ng visa-free policy sa pagitan ng Pilipinas at South Korea oras na maresolba ang kaso ng halos 15,000 Pilipinong iligal na pumasok sa kanilang bansa.