Ipinagpaliban ng Taiwanese government ang implementasyon ng kanilang visa free entry policy para sa mga Pilipino.
Ayon sa Taipei Economic and Cultural Office sa Pilipinas, nais ng kanilang Ministry of Foreign Affairs na makumpleto muna ang mga mahahalagang prosesong administratibo at inter-agency coordination.
Posibleng sa Setyembre di umano magkaroon ng announcement sa eksaktong petsa kung kelan ito ipatutupad .
Ang visa free policy para sa mga Pinoy ay unang inihayag na ipatutupad na sana ngayong Hunyo.
By Len Aguirre