Papayagan na ng Taiwan ang visa-free entry sa kanilang bansa ng mga Filipino sa pag-asang magpapatupad din ang Pilipinas ng free-visa entry para sa mga Taiwanese.
Gayunman, ang Taiwanese foreign ministry ang magde-desisyon kung ipatutupad ang naturang polisiya sa Oktubre o Nobyembre.
Magugunitang inanunsyo ng Taiwan noong Hunyo ang visa-free policy para sa Pilipinas subalit ipinagpaliban.
Walang formal diplomatic relations ang Taiwan at Pilipinas dahil kinikilala ng Philippine government ang ‘One China’ Policy.