Kanselado ang lahat ng mga naka-schedule na visa interviews sa embahada ng Estados Unidos sa Maynila simula kahapon Abril 7 hanggang Mayo 4
Ito ay bunsod ng pinalawig pang pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Ayon sa US embassy, magbabalik normal ang kanilang visa services sa lalong madaling panahon bagama’t hindi pa sila makapagbibigay ng eksaktong petsa para dito.
Inaabisuhan naman ng US embassy ang mga apektadong aplikante na magpare-schedule ng kanilang visa interviews sa kanilang mga hotline o online appointment system, oras na matanggal na ang ECQ sa Metro Manila.
Tiniyak din ng embahada na walang karagdagang bayad para sa pagpapa-reschedule ng interview appointment habang valid naman sa loob ng isang taon ang nabayaran nang visa application fees.