Kinansela na ng gobyerno ang mga visa ng mahigit 1,400 dayuhang nagtatrabaho sa mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Spokesman Mico Clavano na 370 sa mga dayuhang may cancelled visas ang inaasahang ipade-deport na sa China sa loob ng dalawang linggo.
Ayon kay Clavano, ang mahigit 1,400 dayuhan ay bahagi ng nasa 48,000 Chinese na nasa Pilipinas at employed pa rin sa illegal POGOs.
60 araw anya o hanggang unang linggo ng Disyembre ang ibinigay nilang palugit para sa mga dayuhan upang umalis ng bansa.