Planong padaliin ng gobyerno ang proseso ng visa para sa mga Chinese na nais bumisita sa bansa.
Ayon kay Tourism Undersecretary and Spokesperson Benito Bengzon, kasalukuyang pinag-aaralan na ng ahensya kasama ang Department of Justice kung paanong mapapabilis ang proseso ng mga visa ng Chinese tourist.
Noon umanong nakaraang taon ay sinimulan ng Bureau of Immigration ang pag-iisyu ng “landing visa” para sa mga Chinese nationals kung saan maaari nitong makuha ang actual visa sa airport na kanilang pupuntahan.
Hindi naman nagbigay pa ng karagdagang detalye si Bengzon hinggil sa kanilang plano sa pagpapabilis ng processing period ng visa ng mga Chinese nationals.
Gayunnam sinabi ng opisyal na ang hakbang na ito ay inaasahan nilang mas makakahikayat ng turista mula sa China.
—-