Hindi naitago ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang inis sa Estados Unidos na aniya’y tila pagmamay-ari na nito ang Pilipinas.
Inihayag ito ng Pangulo sa harap ng mga negosyanteng Pilipino at Tsino sa isang business forum sa Beijing kasabay ng kaniyang State Visit sa China.
Ikinuwento ng Pangulo na muntik na siyang makulong sa Los Angeles Airport sa Amerika nuong kongresista pa lamang ito dahil sa dami ng hinahap sa kaniyang dokumento bago tumungo sa Brazil.
Dahil dito, nais ng Pangulong Duterte na magpatupad ng Visa Requirements sa mga Amerikanong nagnanais pumasok sa Pilipinas para magbakasyon.
Aniya, dapat maging pantay ang proseso sa mga Amerikanong papasok sa Pilipinas dahil sa tila butas ng karayom ang kinahaharap ng mga Pinoy kapag papasok sa Amerika.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping