Malapit nang makapasok ang mga Pilipino sa Taiwan nang hindi na kinakailangang kumuha ng visa.
Ayon kay Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines Representative Dr. Gary Song-Huann Lin, layon nitong mapatatag pa ang matagal nang relasyon ng Pilipinas at Taiwan.
Positibo ang dalawang bansa na magiging paborable ang naturang plano sa turismo, ekonomiya gayundin ang kultura at edukasyon.
Inaasahang i-aanunsyo ang visa-free na pagbibiyahe ng mga Pilipino sa Taiwan sa Setyembre.
By Rianne Briones
Visa requirement sa mga Pinoy nakatakdang tanggalin na ng Taiwan was last modified: July 10th, 2017 by DWIZ 882