Aalisin muna pansamantala ng Ukraine ang visa requirements sa mga dayuhang nais tumulong sa kanilang bansa na labanan ang ginagawang pananakop ng Russia.
Sa naging post ni Foreign Affairs Minister Dmytro Kuleba, sinabi niyang magkakaroon ng “free visa” ang kanilang bansa para sa mga handang lumaban sa Russian Military Forces.
Ayon kay Kuleba, maaring makipag ugnayan sa foreign diplomatic ng kanilang bansa ang mga interesadong sumali na depensahan ang Ukraine.
Nagpasalamat naman si Kuleba sa lahat ng nagpadala ng tulong at nagdarasal sa kalagayan ng Ukraine laban sa bansang Russia. - sa panulat ni Angelica Doctolero