Inilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang Visa Upon Arrival Policy para sa mga Chinese nationals bunsod ng patuloy na gumagandang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, layon nitong ayusin at gawing sistematiko ang pagpasok at paglabas ng mga Chinese nationals sa bansa.
Ipatutupad ani Morente ang nasabing programa sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport, Clark, Mactan at Kalibo gayundin sa mga pantalan ng Maynila, Puerto Princessa, Subic, Laoag at Caticlan.
Bukas ang nasabing programa para sa mga Chinese nationals na kasama sa mga tour groups na inayos ng Department of Tourism (DOT), mga negosyanteng inyendorso ng local at foreign chamber of commerce maging ang mga atleta na lalahok sa iba’t ibang aktibidad.