Pinag aaralan ng Department of Tourism ang posibilidad na palawigin pa ang visa upon arrival policy sa ibang bansa tulad ng India.
Sinabi ni Tourism Undersecretary Rolando Caniezal na ikalawa ang India sa mayruong pinakamalaking populasyon sunod sa China kayat mayruong malaking demand ng Indian tourists para makapunta sa bansa.
Ayon kay Caniezal inaasahan nilang 100,000 Indian Tourists ang bumibisita sa Pilipinas kada taon.
Una nang inihayag ni Immigration Commissioner Jaime Morente na mag i isyu sila ng landing visas sa Chinese Nationals.
Pinapayagan ng landing visa ang isang traveler na matanggap ang kaniyang aktuwal na visa sa airport ng kaniyang destinasyon.
By: Judith Larino
SMW: RPE