Kinalampag ni Senate Committee on Energy Chairman, Sen. Sherwin Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) na utusan nito ang Visayan Electric Company (VECO) na ibigay ang refund sa mga nasasakupan nito.
Ito’y ayon sa senador ay sa sandaling mapatunayan na may mga naging paglabag ang VECO na nagresulta sa pagtaas ng singil nito sa kuryente.
Ginawa ni Gatchalian ang pahayag matapos maglabas ng kautusan ang ERC noong Enero a-kuwatro para linawin kung bakit tumaas ang kanilang singilin mula Enero hanggang Oktubre noong isang taon.
Ayon sa VECO, bumili sila ng suplay sa Cebu Private Power Corporation sa halagang P35 kada kilowatthour kaya’t pumalo sa 1,490 kada kilowatthour ang kanilang generation rate noong Setyembre.
Pero giit ni Gatchalian, mandato ng mga distribution utilities tulad ng VECO na magbigay ng abot kayang presyo ng kuryente sa publiko salig sa itinatadhana ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).