Inaayos na ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines ang naapektuhang converter station sa Ormoc, Leyte
Ito’y makaraang ilagay sa red alert ng NGCP ang Visayas Grid bunsod ng generation deficiency sa mga geothermal plant sanhi ng nangyaring lindol kamakailan
Dahil dito, umabot sa 1,816 megawatts ang naitalang peak demand sa Visayas grid na sobra sa available capacity nito na 1,721 megawatts
Nagsimula ang red alert dakong ala 6:00 kagabi at tumagal ng hanggang alas 9:00 rin kagabi kaya’t ilang lugar sa Visayas ang nawalan ng suplay ng kuryente
By: Jaymark Dagala
SMW: RPE