Patuloy na binabantayan ng pagasa ang isang namumuong sama ng panahon o low pressure area sa bahagi naman ng Mindanao.
Batay sa 5pm weather outlook ng pagasa, namataan ang nasabing LPA sa layong 100 kilometro timog – kanluran ng Zamboanga City.
Bagama’t mababa ang tsansang maging ganap na bagyo ang naturang sama ng panahon, magpapaulan pa rin ito sa malaking bahagi ng bansa
Kabilang sa mga maaapektuhan ng mga pag-ulang dala ng nasabing sama ng panahon ay ang Kavisayaan, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Bicol Region, MIMAROPA at CALABARZON.
Kasunod nito, ipinabatid din ng weather bureau na umiiral pa rin ang northeast monsoon o hanging ahmihan sa dulong hilagang Luzon.
Kaya naman asahan ang maaliwalas na panahon sa bahagi ng Batanes hanggang sa metro manila at iba pang bahagi ng Luzon subalit makararanas ng pulu-pulong mga pag-ulan bunsod ng localized thunderstorm.