Binalaan na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residente sa Visayas at Mindanao kaugnay sa panibagong Low Pressure Area (LPA) na papalapit sa bansa.
Ipinabatid ng PAGASA na huling namataan ang nasabing LPA sa layong mahigit 1,000 kilometro silangan, timog-silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Hindi naman inaasahang magiging malakas na bagyo ay magdudulot naman ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ang naturang LPA.