Posibleng walang supply ng hamon sa Visayas at Mindanao ngayong Christmas season.
Kasunod na rin ito nang pag-iral ng ban sa pagpasok ng pork at meat products sa maraming lugar sa Visayas at Mindanao.
Sinabi ni Rex Agarrado, Spokesman ng Philippine Association of Meat Processors Incorporated (PAMPI) na dahil sa African Swine Flu (ASF) hindi sila nakakapagpasok ng kanilang mga produkto dahil sa ban sa maraming lugar sa bansa.
Binawasan na aniya ng kanilang mga miyembro ng 35 hanggang 40 porsyento ang produksyon ng kanilang hamon na inaasahang sa Luzon lamang maisu-supply.
Ayon pa kay Agarrado 60 porsyento ng produksyon nila ng hamon ay sasapat lamang para i-supply sa mga lalawigan sa Luzon.
At sakali mang magkaroon ng supply sa Visayas at Mindanao inihayag ni Aggarado na kaunti lamang ito at tiyak na magmamahal ang presyo.