Nakatakdang bumuo ang Pilipinas at Japan ng sariling bersyon ng Visiting Forces Agreement o Vfa.
Ito ang sinabi ni international security analyst professor Rommel Banlaoi kaugnay sa gaganaping two plus two security talks ng dalawang bansa ngayong buwan.
Aniya, makakatulong sa pag-angat ng security partnership ng mga nasabing bansa ang pagbuo ng State of Forces Agreement o Sofa.
Sa ngayon, mayroong Visiting Forces Agreement ang bansa sa Amerika at Australia.—sa panulat ni Airiam Sancho