Nag-alay na umano ng dasal ang aktres na si Vivian Velez para sa kapwa artistang si Isabel Granada na kasalukuyang comatose sa Qatar.
Ito’y makaraan ang maling tweet sa social media ni Velez na nagsasabing “pumanaw na si Isabel” na kaluana’y kanya namang binura.
Sa Facebook post ng producer na si Robby Tarroza, pinuri nito ang alok ni Vivian na “financial assistance” at mayroon din umano itong mga kaibigan sa Qatar na maaaring tumulong kay Isabel.
Bukod kay Velez, may mga kaibigan din sa Qatar si Direk Xion Lim na isa sa mga malapit kay Isabel, na maaaring makatulong sa dating That’s Entertainment member.
Nilinaw naman ni Tarroza na wala siya sa Doha, Qatar bagkus ay nasa Los Angeles, California siya nang ma-coma si Isabel at hindi din siya ang producer ng mga show at tour nito sa Middle East.
Samantala, pinalagan din ng producer ang mga naglipanang fake news lalo sa Facebook hinggil sa kalagayan ni Isabel at sa halip aniya na magpakalat ng maling impormasyon ay ipagdasal na lamang ang aktres.