Nagbitiw ang beteranang aktress na si Vivian Velez sa soap opera na kanyang kinabibilangan sa Kapamilya network na “Tubig at Langis”.
Ito’y matapos umanong makaranas ng pambabastos kay Cristine Reyes na kasama niya sa nasabing palabas.
Kuwento ni Vivian sa apat na dekada ng karera niya sa showbiz ngayon lang siya nakaranas ng ganun pamamahiya at pambabastos mula sa kapwa artista.
May isang buwan na umanong niyang nararanasan ito kay Cristine, kung minsan ay binabagsakan siya nito ng pinto at sinisigawan pa.
Ang huling pangyayaring naganap ay noong nagkasama sila umano sa iisang dressing room at dito nagreklamo ang nakababatang actress at siya ay pinaalis.
Sa isang panayam, inilarawan niya si Cristine na grabe siya umano at bastos.
Nagsumite na si Vivian ng immediate irrevocable resignation sa kanilang soap opera at umaasang makakatanggap ng pagdidisiplina ang nakababatang actress.
By Jenny Valencia