Kinuyog ng mga netizens at pinutakte ng mga ito ng negatibong comments si Julia Barretto matapos ihayag na prank lamang ang Youtube vlog niya hinggil sa paghihiwalay nila ng dyowang si Gerald Anderson.
Gayunman, ang higit na ikinabuwisit ng mga netizen ay ang diretsahang pahayag ni Julia na batid niyang madaling lokohin ang mga Pilipino sa pinakahuling vlog content niya.
Kaya aniya hindi na siya magtatakang pinakamababa ang mga Pilipino sa reading comprehension kasabay ang paghimok sa netizens na mag subscribe na lamang sa kanyang Youtube channel.
Ayon sa netizens, hindi sila magsu-subscribe sa Youtube channel ni Julia dahil ginawa nitong bobo ang mga Pilipino.
Ilang netizens naman ang nagsabing wish nilang magkahiwalay na talaga sina Julia at Gerald para sila naman ang tumawa o mapagtawanan nila ang Aktres.
Una nang nag sorry naman si Julia sa JuRald fans na naniwalang nag break na sila na sa katunayan aniya ay sila pa rin at going strong ang kanilang relationship.