Ipina-subpoena na ng House Tri-Committee ang mga Vlogger at Social Media Influencer na bigong makadalo sa ikalawang pagdinig ng Komite.
Layon nitong obligahin ang Social Media Personalities na dumalo sa susunod na pagdinig ng Tri-Comm dahil tatlo lamang sa 40 inimbitahang Vlogger at Social Media Personalities ang sumipot sa hearing.
Ginawa ang hakbang matapos ang manifestation ni Abang-Lingkod Partylist Rep. Joseph Stephen Paduano na pinaboran naman ng mga miyembro ng Komite.
Samantala, posible namang tuluyan nang maharap sa disbarment si Atty. Trixie Cruz-Angeles, ang dating Presidential Communications Operations Office Chief dahil sa patuloy na pang-i-isnab sa imbitasyon ng Tri-Comm para talakayin ang issue ng fake news at disinformation.
Ayon kay Cong. Paduano, bilang abogado, dapat magsilbing magandang ehemplo si Atty. Angeles sa pagsunod sa batas.
Una nang sinuspinde si Angeles bilang abogado noong 2016 at 2023. – Sa panulat ni Laica Cuevas mula sa ulat ni Geli Mendez (Patrol 30)