Hindi na bago para sa mga vlogger ang pagsasagawa ng social experiments sa kanilang videos. Kabilang na dito ang pangyayakap sa random strangers na layong magpakalat ng peace and love sa kanilang kapwa.
Ito ang tinularan ng Algerian vlogger na si Mohamed Ramzi. Lingid sa kanyang kaalaman, ang ganitong video pa ang magiging dahilan ng kanyang pagkaaresto.
Sa kanyang vlog na ngayon ay burado na, nakita kung paano niyakap ni Mohamed ang ilang dumadaang estranghero.
Ayon sa vlogger, ginawa niya lamang ito upang magpalaganap ng positivity; ngunit hindi niya naisip na hindi katanggap-tanggap sa kultura nila ang ganitong asal.
Kung matatandaan, Islam ang pangunahing relihiyon sa Algeria.
Dahil dito, sinampahan si Mohamed ng kasong indecent behavior. Bukod pa rito ang kasong display of indecency dahil sa isa niya pang video kung saan makikita ang dalawang kababaihan na nakasuot ng maikling palda at may tattoo.
Sa una, nahatulan siya ng not guilty; ngunit nang dalhin sa Algerian Judicial Council ang kanyang kaso, dito na napatunayang nagkasala siya.
Nakulong siya ng dalawang buwan at pinagbayad ng multang nagkakahalaga ng P2.1 million.
Paalala ang insidenteng ito na kahit maganda ang intensyon, mahalaga pa ring isaalang-alang at igalang ang kultura at paniniwala ng bawat komunidad upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at paglabag sa batas.