Handa ang PDRRMO o Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa Sorsogon na ipamigay na lamang ang volcanic deposit mula sa paligid ng Bulkang Bulusan
Ayon kay Ariel Doctama, Spokesman ng PDDRMO nakikipag ugnayan na sila sa mga lokal na pamahalaan sa lalawigan para makagawa ng strategy sa pagkuha ng mga abong naipon sa paligid ng bulkan
Sinabi ni Doctama na maaaring pakinabangan ang mga abong tumigas na kaysa maging lahat at dumaloy pa sa mga residente
Kahapon ay halos l50 metro ng abo ang ibinuga ng Bulkang Bulusan at ito ay nakaapekto sa dalawang bayan sa nasabing lalawigan
By: Judith Larino