Mayroong mga bagong nadiskubreng vent o butas ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa bulkang Bulusan.
Kasunod ito nang naganap na phreatic explosion nuong martes
Ang volcanic vent ay mga butas kung saan maaaring lumabas ang mga volcanic material.
Aerial Survey
Tuloy ang aerial survey sa palibot ng bulkang Bulusan.
Ito ayon kay Engr. Raden Dimaano ng PDRRMO o Provincial Disaster Risk Reduction ang Management Office ay sa sandaling maging maaliwalas ang panahon.
Layon ng aerial survey na makita kung gaano kakapal ang abong naipon sa palibot ng bulkan at kung aling mga lugar ang naidagdag sa mga uubrang manganib sa sandaling tuluyang sumambulat ang bulkang Bulusan.
Pahirapan umano ang paglipad sa palibot ng bulkan dahil sa makapal na ulap na nakapalibot dito.
By Judith Larino