Tinutugis ngayon ng mga otoridad ang isang volleyball coach sa isang paaralan sa Marikina na humalay umano ang isang manlalaro.
Kinilala ang suspek na si Dennis Laping na ilang buwan nang pinaghahanap matapos malaman ng ina ang ginawang panghahalay sa kaniyang 12 anyos na anak na isang varsity player ng volleyball.
Ayon sa ina nabasa niya ang palitan ng text message ng kaniyang anak at ng coach nito.
Hanggang sa umamin na rin mismo ang biktima na may nangyari sa kanila ng kaniyang coach.
Mahigit sampung beses umanong nagalaw ang biktima sa pagitan ng Pebrero at Abril ngayong taon.
Madalas aniyang nangyayari ang panghahalay sa loob ng sasakyan mismo ng suspek bago ang kanilang pagsasanay at pinaiinom pa umano ng suspek ang biktima ng walong tableta ng contraceptives.
Nahaharap ang suspek sa kasong statutory rape sa Antipolo at Marikina, at qualified seduction sa Marikina.