Dumarami na naman ang volume ng sasakyan sa EDSA.
Ito ang inihayag ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority kung saan aabot sa 399,000 na mga sasakyan ang kanilang na-monitor sa EDSA kamakailan.
Ayon kay MMDA Traffic Chief Bong Nebrija, kaunting diperensya na lamang ay maaabot na nito ang pre-pandemic na kondisyon ng EDSA kung saan mayroong 405,882 na sasakyang dumadaan.
Gayunman, sinabi ni Nebrija na nagkaroon na ng malaking pagbabago sa sitwasyon ng trapiko sa EDSA dahil hindi na aniya nararanasan ng mga motorista ang malalang daloy ng trapiko gaya nuong bago pa mag pandemya.