Mas mahirap ang sitwasyon ng bansa sa kalukuyan kaugnay sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon ito kay Dr. Tony Leachon, public health expert, kasunod nang patuloy na pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi sa DWIZ ni Leachon na dapat ibalik ang voluntary enhance community quarantine (ECQ) kung kailan ipinatupad noong Hulyo o Agosto 2020.
Nararapat muling ibalik itong voluntary ECQ dahil mas mahirap tayo ngayon kaysa sa last year,” ani Leachon.
Samantala, dapat na muling umiwas sa non essential travels ngayong sumisirit pa rin ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Dr. Tony Leachon, public health expert, kailangang huwag munang magtungo ng mga mall o kumain sa mga restaurants gayundin ang pagsasagawa ng outing pati ang pagdaraos ng mga aktibidad online.
Binigyang diin sa DWIZ ni Leachon na higit na delikado ang sitwasyon ngayon kumpara noong isang taon dahil sa apat na variant ng coronavirus na kinabibilangan ng UK, Brazil, South African at Filipino variants.
Wala aniyang malilipatan ang virus kung mananatili ang mga tao sa mga bahay.
Kunwari, ang non-essential travels, hindi nalang muna tayo pupunta. ‘Yung magsisimba na dati na open na, online muna tayo. ‘Yung pagkain natin sa restaurant, ‘wag muna. ‘Yung paglabas natin, let’s say for outing, kunwari pupunta kayo sa beach, sacrifice tayo muna d’yan,” ani Leachon. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais