Nakikita ng OCTA Research Group na ang mobility o ang paggalaw ng mga tao ang posibleng maging dahilan ng inaasahang muling pag-uptick ng COVID-19 cases sa bansa, at hindi ang ipinatupad na boluntaryong pagsusuot ng facemask sa mga open spaces.
Sa Laging Handa Brieding, sinabi ni OCTA Fellow Dr. Guido David na kung pagbabasehan ang Cebu na unang nagpatupad ng voluntary mask wearing, kapansin pansin na hindi na tumataas ang naitatala nilang kaso.
Kaya naman kung magkaroon man aniya ng bahagyang pag uptick ng COVID cases sa ilang lugar, may posibilidad na dulot ito ng mobility ng publiko.
Batid ng lahat ani David na nagbalik na ang face to face classes at marami na rin ang nagbalik trabaho kaya mas marami naring tao ang lumalabas ngayon na syang nakapagpataas ng mobility rate sa buong bansa.
Pero kung masusunod lamang aniya ang lahat ng nakasaad sa executive order na inilabas ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ukol sa voluntary mask wearing, posible aniyang hindi magkakaroon ng labis na pagtaas ang kaso sa bansa. – sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)