Pinalawig pa ni US President Donald Trump ang pagpapatupad ng voluntary national shutdown sa susunod na isang buwan pa.
Kasunod ito ng rekomendasyon ng health experts at pag-aaral na nagsasabing maaaring umabot sa mahigit 1,000 ang mamamatay sa Amerika dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Inamin ni Trump na nakakabahala ang nasabing bilang kaya’t kailangang kumilos pa para malabanan ang COVID-19.
Una nang ipinag utos ni Trump ang 15 araw na social distancing guidelines.